Archive

Archive for the ‘filipino’ Category

Kwentong C.I. 2008: Maraming-maraming Byahe

January 6, 2009 Leave a comment

Sa loob ng anim na araw, ako ay naglakbay sa hilagang-kanlurang Luzon sa tatlong probinsiya at 11 na destinasyon. Ito na yata ang pinakamatagal na byahe sa lahat at feeling ko mas maraming oras pa ang ginugol ko sa bus, jeep at tricycle kaysa pagtulog.

DAY 1 – December 26

Umalis ako sa bahay ganap na 4:30 na umaga. Antok pa kaya natulog lang ako sa bus, di na rin ako kumain ng breakfast. Dahil hindi ko alam kung kelan ako makakarating ng Lingayen, Pangasinan, natulog lang ako. Noong sumigaw yung konduktor ng “Urdaneta, Urdaneta!” alam kong malapit na at hindi ko na ipinikit ang aking mga mata. Noong nakakita na ako ng fish cage, alam kong malapit na ako.

First stop: Pangasinan West District. Pinag-orient pa nila ako sa Bible Study material ng wala sa oras, pero pwede na rin. Doon ako unang na-amaze dahil naka-tent pag CI kahit malamig ang panahon, bagay na hindi ko naranasan sa aming distrito.


Byahe na naman sa hapon papuntang Anda, Pangasinan, the mother island of the hundred islands. Buti na lang naabutan pa namin yung last trip na diretso dun. This time, sumama sa akin ang dalawang annual officers. Around four hours din yung byahe.

Magdidilim na noong nakarating kami ng Anda at hindi pa pala doon. Sa isang barangay pa pala, sa Tondol na kilala sa magagandang beach. Sadly, di ko man lang ito nasilayan.

Second stop: Pangasinan Central District. Dito ako kumain ng maraming-maraming isda, natulog ng 1:00 am at bumangon 4:00 am para gumayak na at byahe na naman. Natulog ako sa tent ng isang local church, in fairness, hindi masyadong malamig.

DAY 2 -  December 27

Byahe na ulit papuntang Northwest Philippines Annual Conference. Dagupan muna then to Georgia also known as Urdaneta, Pangasinan. Nagkita kami ni Jepoy sa Jollibee at maglalakbay pa pala kami ng medyo malayo-layo.

Third stop: Southeast Pangasinan District. Sobrang layo nito dahil ang campsite nila ay nasa paanan ng bundok. Lahat ng elemento ng kalikasan naroon, earth, water, air, fire. At ang air, grabe! Kailangan ng magnetic shoes to stay on the ground. Kumain rin kami rito ng balut kahit mataas pa ang tirik ng araw at nagboat race sila sa rumaragasang tubig ng irigasyon. Na-amaze ako sa kanilang bintana.

Umalis din kami ng hapon para bumalik ng Georgia at pumunta sa next district. I was excited kasi fun night na nila, second night pa lang.

Fourth stop: Northeast Pangasinan District. Dito, inakala naming sa community center yung activity, astig sana kasi may round tables at kumpleto sa sound system, pero second canvassing pala ng fiesta. Tuloy, inaagawan kami nung emcee ng istasyon sa program namin. Magkalapit lang kasi yung church at community center.

Masaya yung fun night at naglead pa ako ng singspiration ng mga Sunday school songs. Memorable sa akin si Super Bongga! Superhero kasi ang theme ng fun night.

DAY 3 – December 28

Maaga rin akong lumabas kinabukasan, on the way na ako sa Tarlac City. Bawal ulit matulog kasi baka malampas ako.

Fifth stop: Central Tarlac District. Dito yung district ng pinakamaraming attendance sa lahat ng pinuntahan ko. 340+ lang naman sila at pinuno nila ang malaking community center.

Nagmamadali kaming umalis, pero at least nakausap ko rin ang kanilang officers at nakapaglunch pa. Salamat sa local church na nagpakain. Kanya-kanya rin kasi ang luto dahil nakatent din sila.

Byahe na ulit. Papuntang Capas naman ngayon kung saan naganap ang pinakanakatatawa at pinakakabang bloopers ng CI visitation ko. Bumaba kami ng bus na naiwan si Joejit na tulog. Umandar na ulit ang bus na di pa rin siya bumababa, pero nakababa rin naman pero pupungas-pungas pa at syempre nakalayo na yung bus. Worry ko noon, baka makarating siya ng Cubao ng wala sa oras.

Sixth stop: Tarlac Tribal Sub-district. Dito ang pinaka-unique na experience. Kahit ilang beses na akong pabalik-balik sa Sta. Juliana, Capas, Tarlac, iba pa rin ang makita ang mahigit 100 na kabataang Aeta na nagtitipon for CI. Napasayaw pa nga kami kasama ng mga Aeta workers. Ipinanalangin pa nila kami at nakita ko naman na sobrang masaya at nag-eenjoy ang lahat.

Bago magdilim, kailangan na naming bumiyahe ulit para sa pangatlong district ng Tarlac Philippines Annual Conference.

Seventh stop: South Tarlac District. Isa rin ito sa mga memorable na district. Isang kasiyahan din ang naabutan ko dahil Workers’ Night nila. Ibig sabihin, workers ang maglelead ng Praise and Worship at may presentations pa. Masaya kasi napakacreative ng kanilang mga manggagawa. Tumatak sa aking isip ang mga katagang, “Yes, Direk!” na isinisigaw ang isang nagbading-bading na pastor sa kanilang skit. Isang indikasyon na tanggap nila ang mga kakaiba.

DAY 4 – December 29

Medyo late na ako nakaalis sa sumunod na araw. Kawawa naman si Rey na naghihintay na sa Paniqui ng dalawang oras. Hirap din kasi sa signal kaya hirap makatext. Sa byahe, bawal na naman ang umidlip kahit antok pa. Hindi ko na naman kasi alam kung saan ang Paniqui, basta alam ko madadaanan yun. Ayon sa computation ko sa pamasahe, abot mahigit isang oras ang byahe. Noong nakita ko ang marker na, “Welcome to Paniqui” nakahinga na ako ng maluwag.

Eight stop: Central Luzon District. At home na at home ako sa district na ito kasi Ilocano na yung language. Hindi na masyadong mahirap magsalita at naiintindihan ko na rin lahat ng sinasabi nila. Colibangbang ang pangalan ng barangay, pero wala naman akong nakitang ni isang paru-paro. Dito rin sa district na ito may umiyak na officer habang kami ay nagme-meeting.

Tirik na tirik ang araw noong umalis kami. Medyo may dilemna pa kasi sobrang layo pala yung next destination at kailangang three rides bago makarating at kailangan pang bumalik ng Tarlac City. May short cut din naman pero walang sasakyang dumaraan. Buti na lang may pastor na mabuti ang kalooban at hinatid kami.

Ninth stop: West Central Luzon District. Hindi ko inexpect pero mas maraming luha ang tumulo mula sa mga officers nila dito sa district na ito. Masyado silang naging emosyonal habang kinukwento nila ang kanilang mga struggles at karanasan bilang mga officers. Okay lang din, at least, nakapaglabas sila.

Problema na naman namin kung paano lumabas mula sa isang sobrang layong barangay lalo na na magdidilim na. Buti na lang at may nacontact na silang tricycle bago pa man kami makalabas ng church.

Madilim na nang umabot kami sa Tarlac City. Akala nga namin ay naiwan na kami ng last trip papuntang Guimba, Nueva Ecija. Habang nasa daan, nagpray kami ni Rey, sabi ko, “Lord bigyan niyo kami ng sakay, yung red.”

At yun, red nga ang naabutan naming jeep. Sobrang answered prayer talaga. Buti na lang hindi kalahati yung sasakyan tulad nung sa Fita commercial.

Tenth stop: East Central Luzon District. Gabi na noong kami’y makarating pero buti na lang at kakaumpisa lang nung program. Dito ko narinig ang pinakamalalakas na UMYFP clap. Nakaparami rin kasi nila. 300+ din. Maraming luha rin ang itinigis ng mga officers habang nagme-meeting, may ilan kasi na hirap sa pagiging officer dahil sa mga non-Methodist parents. Tuloy, nadagdagan ang mga eyebags nila.

Wala na akong picture sa last two districts na napuntahan ko dahil deadbat na ang aking camera. Hihingi na lang ako. Around 8:00 am, I’m off to my last district sa Ilocos. Wala ng kain-kain. Akala ko malapit lang pero inabot pa rin ako ng more than six hours na byahe. Para kasing nagpuprusisyon sa bagal yung bus.

DAY 5 – December 30

Eleventh stop: Ilocos South District. Obviously, nasa Ilocos Sur yung venue. Medyo kinabahan din ako sa byahe, para kasing hindi naman na ako magkarating-rating e ang sabi bungad lang yun ng Ilocos Sur. Di na magkamayaw ang mga officers nila sa katatanong kung nasaan na ako. Isa pang problema, lobat na rin ang phone ko. So pano na? hay. Buti na lang nakatext pa ako upon arrival sa mismong town bago man lang nalagutan ng hininga ang aking telepono.

Fun Night ulit ang naabutan ko. Syempre masaya at napakatalented talaga ng mga kabataan pati na rin mga pastor nila. Second time ko na sa district na ito dahil naging speaker nila ako sa isang Leadership Training Institute noong 2007 kaya at home na rin ako. Nakakatuwa kasi biglang buhos ng ulan after ko kumanta. Pero in fairness, pwede na rin kasi sobrang init noong gabing yun.

DAY 6 – December 31

Bago mananghalian, umalis na rin ako upang habulin ang New Year celebration at para hindi mahirapang sumakay ng bus pabalik ng Manila. Gabi na noong makarating ako sa bahay. I was home alone for the new year pero masaya na rin ako. Sa wakas, bahay na ulit ako, pagod pero masaya.

Isa ito sa pinakafulfilling na bakasyon! Kung bakasyon man siyang matatawag.

panahon

sa dami ng ginagawa
sa dami ng iniisip
sa mga kalungkutang dinaranas
sa mga problemang walang kupas
sa bigat ng damdamin
tila walang panahon sa buhay
tila tinutugis ang bawat araw
at pakiramdam ko’y unti-unti
na akong hinahatak ng panahon

hay, buhay nga naman… two years ago, ganito na naman. kailangang magpatuloy. kailangang kumayod. ang buhay di madaling wakasan. kailangang magbuhat, kahit mabigat, bukas makararaos din.

Categories: filipino, personal, poetry Tags: ,

hindi sila nakatutuwa

December 4, 2007 Leave a comment

noong sabado, sumakay ako ng dyip papuntang mall. sa dyip, kapansin-pansin ang tatlong babaeng nakaupo sa likod ng mamang drayber. noong una, hindi ko lang sila pinapansin (minsan kasi nag-iingay din kami sa dyip) dahil ano naman nga ang paki ko sa kanila. pero dahil sa lakas ng kanilang mga boses at sa paksa na rin ng kanilang usapan nagsimula na akong mairita.

pahapyaw kong tinitignan ang mga reaksyon ng mga tao sa loob ng dyip. lahat sila tahimik lang at mukang nakikinig na rin. maaring yung iba ay natutuwa sa pag-uusap nila ngunit kapansin-pansin din ang pagkairita ng karamihan lalo na yung magjowa na nasa tabi ko.

tama ba naman kasi na pag-usapan nila at ipagkalandakan ang kanilang mga crushes at mga relasyon sa mga lalake at (take note) mga babae. yung isa, cross-dresser at halatang “tibo” (tama ba yung term ko?) dahil nakapolo ng itim, yung isa naman, maganda at tsinita pa kaso konyo ang tono ng pananalita at yung isa mukang wala lang reaksyon pero kasama pa rin sa usapan.

“yung isa kong ex dati,” sabi nung tsinita.

“linawin mo, boy ba yan o girl,” sabi naman nung nakaitim.

“boy, boy ito.”

huwaaattt??? sa ganda niyang yun “bi” din siya? hindi ko lang malaman kung bakit hindi man lang nila maitago ang kanilang mga kalaswaan at kailangan pa talagang pag-usapan sa isang pampublikong lugar.

may mga pagkakataon na hindi na naririnig nung drayber kung saan bababa o kung may pumaparang pasahero dahil sa lakas ng boses ng mga nasa likuran niya; yan ang dumagdag pa sa inis ko.

ang wish ko na lang ay sana bumaba na sila, pero it turned out na pareho pala kami ng pupuntahan hanggang sa dumating na sa malapit sa mall at kaming apat na lang ang laman ng dyip. hay.

i have really nothing against them lalo na nga at hindi ko sila kilala. let’s say, karapatan nilang magsalita at sabihin ang lahat ng gusto nilang sabihin o karapatan nila sa maramdaman ang ganun sa parehong kasarian (kung ganun nga talaga) pero sana naging mas sensitibo naman sila sa mga taong nasa paligid nila. sa tingin ko kasi isang napakapribadong paksa ang pinag-usapan nila at lalo na at hindi naman sila mga artista para magpress release; o kung mag-uusap man sila sa mga sensitibong bagay, pwede bang pakihinaan naman ang kanilang boses at nang di makaabala sa publiko?

haler! ikaw ba gusto mong pag-usapan at ikwento ang buhay mo sa loob ng dyip? kung gusto nila, sana sumulat na lang sila kay ate charing sa malala na kaya.

Categories: comments, filipino

Sa Kumpas ng Ulan*

Tugtugin na ang gitara at tambol
at ang mikropono’y hawakan na
Itodo mo na ang pag-awit
at itaas mo pa ang iyong tinig

sa kumpas ng ulan!

Magsitakbuhan man ang mga manonood
ngunit tiyak may nakikinig sa iyo
Tignan mo nga’t langit ay lumuluha
kaya’t ituloy mo lang ang kanta

sa kumpas ng ulan!

Hindi mo ba alam
ulan ang ibinigay na katugunan
sa awit mong alay sa ating bayan?

Kaya’t ituloy mo lang
sa kumpas ng ulan!

*This is the result of my boring moments in the office, or I mean during the times when I can’t get my fingers typing for my article. I am writing a cover story on ASEAN Center for Biodiversity today but I just can’t concentrate. For that, I tried to reconstruct my experience last night into a poem. I judged the presentations of the original song compositions of young people of MidPAC last night as the rain poured in and (off?) We even jokingly said that the group who gets the strongest downpour will win as it gets the heaven’s approval!

Categories: filipino, poetry Tags: ,

Maiba naman

November 20, 2006 Leave a comment

Malungkot pa rin ako. Pero masaya na rin. Hay, weird!

Para maiba naman, I rearranged my room last night, as in totally rearranged! It seems that it is now positioned 90 degrees from the original. I also wanted to post something on my walls but I was just so tired to do it all last night and I also could not find my posters.

I also changed my bag; erased all the messages in my phones’ inboxes, outboxes and drafts;  and wear black and white (parang may patay tuloy) on a Monday. By the way, kung sino man yung nagbigay ng load sa sim ko, salamat! Yun ang talagang kakaiba.

A (not) so ordinary weekend
Last Saturday night, I had a meeting with the National Education Department and the Constitutional Amendments Committee. Nabusog kami — ideas, side comments, tawanan, hot and cold coffee (ni Kuya Aldous aka Starbahay Manager), lush chocolate candy (na ginawang sugar ni Aaron sa coffee niyang mapait), biscuits, mga kwentong baliw ni Ismac, ang naaamaze na si Ate Helene dahil for the first time daw na kumpleto kami, ang devotional sharing ni Kuya Lenmark at ang pinagkatuwaang letter ni Kuya Eufer.

Though the meeting ended late, around 3:00 a.m., it seems that none of us was tired. Still all smiles until the end, not to mention the photography sessions.

Sunday. Gala mode with ate Chikai. But before that, nagmuni-muni muna ako sa food court ng SM North. I was able to write a back-to-back page entry in my journal. Then I ate my lunch (kung lunch bang matatawag ang ham and cheese burger, fries at coke) at Burger King. I just miss eating in BK. Then coffee session at Figaro (tambayan ever!) Ikot-ikot lang hanggang magutom at kumain ng pizza at pasta sa Sbarro. That ended our senti moments. Bow.

Categories: filipino, personal Tags: , ,

bunga ng aking frustrations and disappointments

October 27, 2006 Leave a comment

**For the past few days, I’ve been rethinking some directions I might take for the next few days, months and even for next year. I have my frustrations, of course, especially that with my work in my organization. Many people, some of whom I look up to and some who have come after me, are slowly drifting away. I currently hold a position in the national level but it is my desire to go back to a lower level (I don’t know when). Perhaps I just missed working with people in the lower level — people I could easily trust and believe; and who could do the same to me.

tulad ng puno

anong silbi ng pagsulong sa itaas
kung unti-unti namang nawawasak
ang pundasyong matagal at
maingat mong itinayo

tulad ng punong malago ang mga dahon
ngunit anay naman ang namamahay
sa loob ng kanyang katawan, isang araw
mabubuwal at mamamatay

hindi lubos ang tagumpay
kung ang mga sumunod sa iyo
ay nanghihina kahit pinipilit mong
mabigyan sila ng suporta at lakas

tulad ng punong mayabong
ngunit bulok naman ang mga bunga
na isang araw, isa-isa itong mahuhulog,
matatapakan at mabubulok

Categories: filipino, poetry Tags: ,

translation

October 26, 2006 Leave a comment

tila tumutulo na ang napipiga kong utak
sa pagsasalin sa Filipino ng mga katagang Ingles

tila dumudugo na ang ilong ko
sa mga di maintindihang pangungusap

mga konseptong naghahalu-halo
mga salitang hindi magkakatugma

hindi matapus-tapos
nadamay pa itong tula

**sa huling tingin ko, staff writer ang job description ko, hindi translator. huhu.

Categories: filipino, poetry

me against the world

Sa mga panahong maulan at malamig, gusto ko lang sanang matulog at magpahinga…

Sabi sa Bible, “God is faithful; he will not let you tested beyond your strength.” So siguro, lahat ng pinagdadaanan ko ngayon, they are still within my strength capacity. Sigh. Sometimes I envy those people who are only thinking about themselves–– where they could watch a movie, where they would go during weekends, how will they spend their overflowing money, etc. But are there such persons? Well…

My prayer: Sana hindi maging dahilan ang mga pagod, hirap, sakit at kahinaan na dinaranas ko ngayon upang bigla na lang akong maglaho at bumuo ng sarili kong mundo (though most of the time nagsasarili talaga ako).

Siya nga pala, yung isda sa aquarium namin, ayun nagkakaroon na muli ng buhay (though hindi naman talaga siya namatay). Kahit punit-punit na yung buntot niya at hatalang mahina pa siya, at least ngayon, lumalangoy na ulit siya at kumakain na rin kahit papaano.

Yung matandang naka-wheelchair na nadadaanan ko papunta at pauwi ng office, ayun, sinisikap niyang tumayo. At noong minsang napadaan ako, nakatayo na siya at inuunat ang kanyang mga paa kahit na kailangan pa rin niyang kumapit sa tubong bakod.

Dahil sa isda at doon sa matanda, na-realize ko na kailangan ko talagang magpatuloy. Dahil kung sila nga may determinasyon, ako pa kaya? Pero sana…

Categories: filipino, personal Tags: , , ,

sana…

Sa mga panahong tulad nito, sana matupad ang mga kahilingan ko. Alam kong imposible pero sana pwede.

  • Noong Linggo, habang inilalatag namin ng aking kaibigan ang mga bagay na dapat naming tapusin para sa buwang ito, hinangad ko na sana madagdagan ang “weekends” ko. Isa pa, kung maaari lang sana na maging sampung araw ang isang linggo.
  • Sana ang weekends ay lagi na lang July 8. Noon ko kasi nalaman na oo nga tama nga sila, kailangan ko rin ang pahinga. Kaya’t kahit marami akong iniisip noon na dapat kong gawin at tapusin, sinamantala ko ang panahong kasama ko ang kama ko, habang nakatitig ako sa puting kisame, habang pinapakinggan ang malakas na pagpatak ng ulan sa labas at pagpasok ng konting ambon sa kuwarto ko.
  • Sana pwede kong kunin yung ibang araw ng kuya ko at idagdag sa akin upang magawa ko lahat ng bagay na dapat tapusin at makapagpahinga din ng matagal.
  • Matagal na akong nakaplanong umuwi ng probinsiya. Noong huling linggo pa ng Mayo pero hindi ako natuloy dahil sa sapilitang pagpasok sa opisina. Sana pwedeng pumunta sa dalawang lugar sa parehong pagkakataon. Papasok kasi ako sa opisina sa Sabado pero dapat dadalo ako sa unang pagpupulong ng konseho anwal sa Isabela.
  • Sana mas marami akong panahong magbasa ng mga libro at magsulat ng mga bagay na dapat at gusto kong sinusulat maliban sa mga lathalaing iniaatas ng aming editor dito sa opisina.
  • Gusto kong magbakasyon, lumayas, gumala! Sana ngayon na yung “soon.
  • Sana maging masaya na rin yung gold fish sa aquarium sa bahay. Siguro nagu-guilty siya kasi siya ang dahilan kung bakit kinailangan naming patayin yung janitor fish. Sana hindi na lang kinagat nung janitor fish yung buntot niya noong isang buwan.
  • Marami akong mga bagay na hinihiling pero ang magagawa ko lamang ay mabuhay ng katulad niyo: 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo at apat na weekends sa bawat buwan. Dahil kahit naghahangad ako, hindi naman ako makapagdaragdag ng kahit isang segundo sa buhay ko.
  • Huli na ito: Sana 11:30 na para lunch break na! Kanina pa kasi kumakalam ang aking sikmura. Napakatagal umikot ng oras lalo na kung hinihintay mo siya. Tik tak tik tak, hindi ko mapigilang mapatingin sa orasan na naka-embed sa lower right side ng monitor ko.
Categories: filipino, personal Tags: ,

kung malungkot ako

kumakain ako ng marami. tumatahimik ako. minsan hindi ako namamansin. gusto kong mang-away. gusto kong gumala. minsan gumagala ako. minsan nagmumukmok sa ako kwarto. nagbabasa ako ng libro. nangungulit ako. umiinom ako ng marami (kahit ano). natutulog ako at nangangarap na hindi na kailanman magising.

pero ngayon, nagising ako at narealize ko nakakapagod din pa lang matulog, kaya lalo akong nalungkot. tapos sumabay pa ang isang mahirap na article at ang madugong pag-eedit sa article ko. tapos may mga tao pang hindi namamansin. tapos wala pa akong load. tapos, tapos, at marami pang tapos!

new discovery

kahapon, habang ine-encode ko yung memo ng DepED, ayun, nadiscover ko na ang Filipino term pala ng “form” ay “pormularyo”. ayun, medyo nahirapan lang talaga akong bigkasin yung word.

Categories: filipino, personal Tags: ,
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.