Ewan ko kung ilang beses na akong nagbahagi ng aking mga nararamdaman ko, I mean yung personal feelings, sa blog na ito. Yung tipong mga galit ko sa mundo, yung mga pagsesenti ko. Siyempre lagi akong nagkukumento sa mga bagay-bagay pero ito iba!
I survived the day
Pumasok ako sa office noong Saturday ng mag-isa. Yun lang! as in, akin ang buong kwarto ng Students Digest. Nakapagpatugtug ako ng malakas ng malakas at gumawa ng iba’t-ibang bagay.
Senti moments
Parang gusto ko lang lumabas. Ayun, nagpunta ako sa SM North. Bago ako makababa ng overpass, narinig ko ang isang aleng nagsabi, “Apay nga nakaad-adu ti agpalpalama? (Bakit napakaraming namamalimos?)” Hay nako, I’m already tired commenting on that issue kaya hindi ko na lang pinansin.
Dahil wala naman ako perang marami naglakadlakad lang ako. Binusog ko ang aking mga mata sa mga paborito kong mga tsinelas at mga sapatos.
Malungkot talaga ako noon. Basta marami akong naalala. Yung mga taong walang pakiramdam at napakainsensitive. Gusto kong umiyak pero sadyang napakadamot talaga ng mga mata ko sa luha. Wish ko nga na may makapansin sa akin, lapitan ako at kausapin. Baka mas mabuti pang kausapin ang mga taong hindi ko kilala.
Pagkain ng VAT
Oo, kinain ko ang VAT!
Bumaba na lang ako sa food court dahil ramdam ko na rin ang reklamo ng aking tiyan. Sa isang mesa may mga taong masaya at tipong bonding with friends sila kasabay ng pagtagay ng beer. Gusto ko din yon pero nagpasya na lang akong kumain sa paboritong kainan ng Pinoy na pagmamay-ari ng isang Tomasinong bubuyog. Nainis pa ako, dahil maliban sa bayad ng pagkain ko, may dagdag pang 14.04 na VAT. Pamasahe din yon! Maliban pa doon, wala silang coke. Kaya ice tea na naman.
Inenjoy ko ang aking pag-iisa. Matagal kong kinain yung food na binayaran ko ng 12% na VAT. Gustong magsulat noon pero kung minamalas ka nga naman, naiwan ko yung mga ballpen ko sa bahay. Kaya nagpasya na lang akong umuwi.
Isang katangahan
Tanga = stupid
Kung malas ka nga talaga, malas ka! Pagdating ko sa bahay, narealize ko na wala pala akong dalang susi. Tatlo pa man din yung lock ng bahay. Pero alam ako may tao sa loob kasi hindi nakalock yung isa. Kumatok ako, isa, dalawa pero walang sumagot. Isa pa sa mga hindi maganda ay lobat pa ang cp ko. Buti na lang nakapagtext pa ako sa kuya ko. Pero hindi ko nahintay ang reply niya.
Bumaba ako (nasa 3/f pala yung inuupahan naming apartment). Nagmukmok doon sa tapat ng gate. Naghihintay ng mga taong magreresque sa akin. Sa kasamaang palad, tuluyan nang namatay ang cp ko. Umakyat ulit ako. Nagdahilan nalang ako sa naaawang caretaker ng building na meron pala akong kasama sa taas at nakatulog lang. Kunwari binuksan ko pa ang fone ko at nagbasa ng text.
Pag-akyat ko, ayun, isa’t-kalahating oras pa akong naghintay bago bumukas ang pinto. (tama, may kasama nga akong tulog sa loob pero hindi totoo na may nagtext) Mabuti na lang at dala ko ang librong Farewell to Manzanar, kaya kahit boring, madaming lamok, at papatay-patay ang cp ko nagtiyaga na lang ako. Minsan nabuksa ko ang cp ko at may nagjojoke pang mama. Tama bang nagtext na tambay na lang daw muna ako sa videokehan sa baba namin. Oo, ulyanin ako, pero ayaw ko sa ganoong tambayan considering na kamakailan ay may muntik ng magsaksakan doon!
Filed under: filipino, personal | Tagged: life, rants, stupid, VAT


